Sabado, Pebrero 14, 2009

February 12,2009

Nanood lang kami ng "The Animal" na sobrang nakakatawa."He wasn't much of a man,now he's not a much of an animal.Characters:Rob Schneider(Deuce Bigalow:Male Gigalo,big daddy and MARVIN MANGE),Colleen Haskell(TV's "Survivor"and Rianna),John C. McGinley(Any given Sunday,the Rock),and Edward Asner(The Bachelor.JFK).Ang ganda ng ginawa naming ngayon kay sir.Nanood kamin ng nakakatawang palabas.Matatapos ka talagang manood na pagod ka sa kakatawa at masakit ang iyong tiyan.Isang pelikulang nakakaaliw,nakakatawa,at may mga aral din n makukuha.PInaghalong katatawanan,kalungkutan,aksyon at tungkol din sa love na halios kumpleto na.Nagenjoy talaga kaming lahat na manood ng pelikula.Ang galing ng pagkakagawa noong pelikula at talagang maeenganyo kang panoorin at hinding hindi mo dapat palampasin ang bawat detalye sa pelikula.Ang ganda na naman ng araw ko.Nawala ang antok ko dahil doon sa pinanood namin.Ang iba nga alam na nila pero tawa pa rin sila ng tawa.Napakainteresting talaganoong ginawa namin.The Best...hehehe..Si Marvin Mange ay pangarap na maging isang cop ngunit sa di inaasahang pangyayari siya ay naaksidente ng sasakyan at nagkalasug-lasog ang kanyang katawan.Ang ginawa ng nakabanga sa kanya na isang scientist ay pinalitan ang iba't ibang parte ng kanyang organ ng mga hayop.Iba't ibang organ ng hayop ang ginamit niya na kanyang isinekreto doon kay Marvin.Naainlove siya kay Rianna sa kanyang pagiging asal hayop at ang kanyang pagiging baliw na nakakatawa.Aral:Tumulong sa kapwa,maging mapagmahal,at huwag agad huhusga sa isang bagay lalo na kung ikaw ay makakasira sa isang buhay.Lahat tayo ay may kanya-kanyang katangian na dapat nating gamitin sa tama at huwag sa masama.Pantay-pantay tayo at pareho lang tayo ng hayop,ang pinagkaiba lang tayo ay may isip sila ay wala.Ang mga hayop pala na naging asal niya ay unggoy,aso,pusa,palaka,paniki,elepante,kabayo,isdang dolphin,kambing at kangaroo..Pabula ay maikling kwento na karaniwan at tungkol sa mga hayop na kapupulutan ng aral.Ito ay isang uri ng kathang isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang buhay na ang gumaganap na mga tauhan.Ito ay may natatanging kaisapang na hahango sa mga pabula,sapagkat nagbibigay ng mga moral at aral para sa mga batang mambabasa.Ito din ay tumatalakay sa mga kilos at paguugali na nangangailangang ituwid o baguhin dahiol sa pagiging hindi mabuti o makatarungan.Si Aesop ay itinuring na ama ng sinaunang pabula.Ang kahalagahan ng pabula ay turuan ang mga tao sa tamang paguugali at pakikitungo sa kapwa at kapupulutan din ng aral.

Walang komento: