Biyernes, Pebrero 20, 2009

February 19, 2009

Ngayong araw na ito ay manonood na naman kami.Ang unang nakita namin sa pinanood namin ay tungkol ito sa pagpapalabas ng mga natatanging kwento kagaya ng Goldilocks.Ang mga tauhan dito ay mga bata pa at may mga intermission number ng mga guro.Ito ay ginanap sa unc.Unang ipinalabas nga ay ang pagiinsayo ng mga bata sa programang gagawin nila.Pangalawa ay ang motorcade ng mga kasali sa palabas.Ang mga bata talaga ay mahihilig sa paglalaro,pagsayaw at pagkanta.Pangatlo ay ang pagpresent ng mga magbibigay ng mga intermission number na aaliw sa mga manonood at magbibigay ng kasiyahan sa kanila.Ang kwento napili nila ay ang "Goldilocks".Si Goldilocks ay isang masayahing bata at mahal na mahal niya ang kanyang mga magulang gayun din ang kanyang mga magulang sa kanya.Isang araw bigla na lang nawala si Goldilocks.Alalang-alala ang magulang at mga tao sa paghahanap kay Goldilocks iyak ito ng iyak sa kanyang asawa.Si Goldilocks naman ay pumunta sa kakahoyan at kumuha ng mga magagandang bulaklak na ibibigay niya sa kanyang mahal na ina.Tuwang-tuwa si Goldilocks habang siya ay namimitas.Sinabi niya sa kanyang sarili na matutuwa ang kanyang ina sa kanyang ibibigay na magagandang bulaklak.Sa kapaguran nakaramdam siya ng pagod.Natakot din siya dahil gumagabi na at madilim na sa paligid.Nagpasya na lang itong matulog muna.Si Pipes of Pan o tinatawag na tagatawag ng mga magagandang panaginip ay nakita si Goldilocks.Kanyang binigyan si Goldilocks ng maraming panaginip upang maging maganda ang kanyang pagkakatulog.Una ang napanaginipan ni Goldilocks ay mga nagsasayaw na mga fairy.Ang ganda talaga ng pagsayaw ng mga fairy.Sa pagtawag ni Pipes of Pan ng mga panaginip ginagamit niya ang instrumentong hinihipan at ito'y tumutunog.Marami pang napanaginipan si Goldilocks kagaya ng mga Honey Bee,Lalaking Sumayaw at iba pa.Talagang nakakatawa ang mga bata paano naglalaro kasi sila sa oras ng play.May mga makukulit at may pamali-mali sa pagsasagawa na aming nagustuhan at aming pinagtawanan.Pinagtawanan namin sila dahil bibong-bibo silang kumilos.Nagising na si Goldilocks at nahanap na siya ng kanyang mga magulang.Tuwang-tuwa ang mga magulang niya ng makita siya.May nakilala siyang kaibigan iyo ay ang tatlong bears.Mababait ang mga bears na nakilala ni Goldilocks.Hindi sila mababangis kagaya ng iba.Ang bears ay trinato nila na parang anak nila si Goldilocks.Lagi niyang kalaro yung baby bears.Isang araw nakita siya ng kanyang mga magulang.Gustong-gustong saktan ng kanyang ama ang mga bear pero pinigilan ito ni Goldilocks at sinabing mababait po sila.Naging magkakaibigan na sila.Habang naglalaro ang dalawa may sumalakay na mabangis na bear at sasaktan ang ama ni Goldilocks.Tinulungan ito ni Papa bear at natalo nila yung mabangis na bear.Ang huling nangyari ay ang paglalaro niya sakanyang mga kaibigan.BInigyan niya ang bawat isa ng regalo at siya rin ay nagkwento tungkol sa mga nangyari sa kanya.May naikwento rin siyang nakakatakot kaya natakot ang kanyang mga kaibigan.

February 17, 2009

May pinagawa si sir na aming sasagutan tunkol doon sa napanood naming pelikula na "The Animal".Ang mga katanungan ay anu-anong mga katangian ng hayop ang nakuha ng pangunahing tauhan?,Anu-anong katangian ang naiugnay sa bawat hayop,(mga hayop na likas sa Pilipinas)at Bakit gumagamit ng mga hayop imbes na mga tao sa Pabula?.Magdadala rin kami ng isang pabula.Ngayong araw ay amin itong ipinasa kay sir sa short size bond paper at encoded.Nagpractice na naman kami ng gagawin namin sa Filipino.Araw-araw na kaming nagpapractice paghahapon dahil malapit na itong ganapin.Noong Linggo nga nagpractice kami sa paaralan.Ang ininsayo lang namin ay ang sayaw na "Buttons" at sabayang pagbigkas.Sa darating na Sabado at Linggo ay magpapractice dahil iyon na lang ang araw para kami ay maginsayo.Lagi namin ngayong pinapractice ang sabayang pagbigkas na pinamagatang "Ang Taong Magpapadangat Sakuya ni Buboy Aguay".Nasa medium voice ako,may high voice na babae at mga lalaki.Nakukuha na rin namin ngunit hindi pa masyadong maganda ang pagkakabigkas.Iyan ay aming pagaaralan kung paano bigkasin ang mga salita,ang tamang pagbigkas at bigyan ito ng buhay.Ang iba kong mga kaklase ay hindi nagseseryoso kagaya ng mga lalaki.Ang iba kong kaklase naman ay iba't iba ang kanilang ginagawa.May natutulog na rin sa pagensayo pero pinagsasabihan naman ng aming trainor na magseryoso na kasi nagagalit na siya at naiinis na rin siya.Kaya naman nagseseryoso na rin kaming lahat kahit paano.Mahirap sa una talaga pero makukuha na rin namin iyan kalaunan.Basta magiinsayo lang kami lagi upang makuha na namin ang tamang pagkakabigkas ng mga salita,tamang pagbigkas at mga action na nauukol dito.

Sabado, Pebrero 14, 2009

February 12,2009

Nanood lang kami ng "The Animal" na sobrang nakakatawa."He wasn't much of a man,now he's not a much of an animal.Characters:Rob Schneider(Deuce Bigalow:Male Gigalo,big daddy and MARVIN MANGE),Colleen Haskell(TV's "Survivor"and Rianna),John C. McGinley(Any given Sunday,the Rock),and Edward Asner(The Bachelor.JFK).Ang ganda ng ginawa naming ngayon kay sir.Nanood kamin ng nakakatawang palabas.Matatapos ka talagang manood na pagod ka sa kakatawa at masakit ang iyong tiyan.Isang pelikulang nakakaaliw,nakakatawa,at may mga aral din n makukuha.PInaghalong katatawanan,kalungkutan,aksyon at tungkol din sa love na halios kumpleto na.Nagenjoy talaga kaming lahat na manood ng pelikula.Ang galing ng pagkakagawa noong pelikula at talagang maeenganyo kang panoorin at hinding hindi mo dapat palampasin ang bawat detalye sa pelikula.Ang ganda na naman ng araw ko.Nawala ang antok ko dahil doon sa pinanood namin.Ang iba nga alam na nila pero tawa pa rin sila ng tawa.Napakainteresting talaganoong ginawa namin.The Best...hehehe..Si Marvin Mange ay pangarap na maging isang cop ngunit sa di inaasahang pangyayari siya ay naaksidente ng sasakyan at nagkalasug-lasog ang kanyang katawan.Ang ginawa ng nakabanga sa kanya na isang scientist ay pinalitan ang iba't ibang parte ng kanyang organ ng mga hayop.Iba't ibang organ ng hayop ang ginamit niya na kanyang isinekreto doon kay Marvin.Naainlove siya kay Rianna sa kanyang pagiging asal hayop at ang kanyang pagiging baliw na nakakatawa.Aral:Tumulong sa kapwa,maging mapagmahal,at huwag agad huhusga sa isang bagay lalo na kung ikaw ay makakasira sa isang buhay.Lahat tayo ay may kanya-kanyang katangian na dapat nating gamitin sa tama at huwag sa masama.Pantay-pantay tayo at pareho lang tayo ng hayop,ang pinagkaiba lang tayo ay may isip sila ay wala.Ang mga hayop pala na naging asal niya ay unggoy,aso,pusa,palaka,paniki,elepante,kabayo,isdang dolphin,kambing at kangaroo..Pabula ay maikling kwento na karaniwan at tungkol sa mga hayop na kapupulutan ng aral.Ito ay isang uri ng kathang isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang buhay na ang gumaganap na mga tauhan.Ito ay may natatanging kaisapang na hahango sa mga pabula,sapagkat nagbibigay ng mga moral at aral para sa mga batang mambabasa.Ito din ay tumatalakay sa mga kilos at paguugali na nangangailangang ituwid o baguhin dahiol sa pagiging hindi mabuti o makatarungan.Si Aesop ay itinuring na ama ng sinaunang pabula.Ang kahalagahan ng pabula ay turuan ang mga tao sa tamang paguugali at pakikitungo sa kapwa at kapupulutan din ng aral.

February 10,2009

Nagpractice na naman kami para sa gagawin namin sa February 26, 2009.Umayaw na talaga ako sa "Buttons" pero isinali na naman ako kasi kapag hindi daw ako sumali tutula na lang daw ako kaya naman sumali na lang ako para naman huwag na ako magmemorize ng tula.Medyo alam mo na hindi talaga ako marunong sumayaw.Basta kung ano na lang ang makaya ko .Kahit pagtawanan nila ako hindi ko na lang sila papansinin.Sasayaw na lang ako ng kaya ko lang.Hindi na naman siguro iyan mapapansin.KAming "Buttons"talaga palaging nagpapractice.Ang iba kong mga kaklase ay nakaupo lamang,ang iba naman ay nagpapractice sa "Folk Dance".Nahihirapan talaga ako makuha ang mga step sa sayaw paano hindi ako marunong sumayaw.Hindi man lang binigyan ni Lord ng talent sa sayaw,kaya nga gusto ko sa hulihan lang pero kasi kapag lumilipat ng pwesto hindi maiiwasan na mapaunahan ako.May mga manonood pang mga author o mga tagasulat dito sa Bicol.Nakakahiya sa kanila dahil makikita nila akong hindi marunong sumayaw.Nakakanerbyos a nakakatakot.hayy..Sana makaya ko kapag dumating na ang araw ng aming pagtatanghal.

February 05,2009

Nagpractice lang kami sa program namin na gagawin sa February 26.Ako ay nagpractice ng "Buttons Dance" na hindi ko talaga makuha-kuha dahil mahirap para saakin dahil hindi ako marunong sumayaw kaya pinagtawanan ako ng mga kaklaase ko.Nakakainis kasi pinipilit pa akong sumali eh hindi ko nga makuha-kuha.Nakakabwisit sila sobra....Pinasa ko yung pinagawa ni sir na mag hanap ng isang parabula at gawin itong moderno.Ang pinili ko ay ang "Tusong Katiwala"na ginawa kong moderno na pinamagatang "Ang Tusong Katiwalang Bading"...hehehe.Nasira ang araw at galit na galit ako sa mga kaklase ko dahil pinagtawanan nila ako.Nakakapikon parang gusto ko ng umiyak.Porke hindi ako marunong sumayaw,inis na inis talaga ako ngayong araw na ito.

February 03,2009

Tinalakay namin ngayon ay tungkol sa Parabula kung saan ang mga kwento sa Bibliya ay ginawang moderno.ang mabuting samaritano ang unang isinadula ng aking mga kaklase na ginawang "Ang Mabait na Bading".Ang nagsalaysay ay si Salvador.Ang mga tauhan dito ay ang Bading,Tulisan,Guro,Fashionista at ang lalaking sugatan.Ang Guro ay hindi pinansin ang lalaking sugatan.Ang Fashionista ay walang awa na hindi man lang tumulong at ang bading lamang ang tumulong.Ang aral dito ay kung sino ba talaga ang tunay na nagmamahal sa kapwa ang tanong ni Hesus sa kwentong ito hindi lang sa gawa makikita ang pagmamahal kundi ang bukal na pagtulong sa mga nangangailangan.Ang pangalawang isinadula ay ang "Prodigal Son"na ginawang moderno na "Papalicious"ang nagkwento naman nito ay si Leonila.Ang mga tauhan dito ay ang Mama,Panganay na anak at Binabaing anak.Ang kanilang ina ay ibinahagi ang yaman sa kanyang mga anak.Ang panganay ay masipag at hindi umalis subalit ang kanyang binabaing anak ay nilustay ang pera at inubos sa mga lalaki ng siya'y umalis sa kanilang bahay.Dumating ang tagutom at naranasan niyang kumain ng mga ulam ng baboy at dito niya naalala ang kanyang ina.Bumalik siya sa kanilang bahay at agad siyang nakita ng kanyang ina at niyakap ang kanyang panganay na kapatid ay galit na galit at masayang-masaya.Aral:Huwag magiging mainggitin,magagalit o magseselos.Kahit pa naging makasalanan ang isang tao darating ang panahon na papatawarin parin ang nagkasala.Ito ay nahahango sa Diyos na pagpapatawad sa kapwa.Ang pangatlong nagkwento ay si Jerick ay "Ang Batang Bading".Ang tauhan dito ay si Pepay at ang mga lalaking bading.Ang kwentong ito ay tungkol sa pagsisinungaling ng batang bading na may mga gwapo at sinasabi niya ito sa inaakala niyang mga lalaki pero bading naman kaya kapag naririnig naman ito ng mga bading ay agad na pumupunta sa batang bading.HAnggang isang araw ang kanyang ibon ay kinain ng mabangis na hayop at noong tumatawag na siya doon sa mga bading ay hindi na siya pinansin ng mga bading.Aral:Huwag magiging sinungalin,Ang taong sinungaling ay hindi na muling pinaniniwalaan ng mga tao.Magagaling ang gumanap at mahuhusay ang mga narrator.Sa Parabula makakapulot tayo ng mga aral na hango sa bibliya.