Sabado, Pebrero 14, 2009

February 10,2009

Nagpractice na naman kami para sa gagawin namin sa February 26, 2009.Umayaw na talaga ako sa "Buttons" pero isinali na naman ako kasi kapag hindi daw ako sumali tutula na lang daw ako kaya naman sumali na lang ako para naman huwag na ako magmemorize ng tula.Medyo alam mo na hindi talaga ako marunong sumayaw.Basta kung ano na lang ang makaya ko .Kahit pagtawanan nila ako hindi ko na lang sila papansinin.Sasayaw na lang ako ng kaya ko lang.Hindi na naman siguro iyan mapapansin.KAming "Buttons"talaga palaging nagpapractice.Ang iba kong mga kaklase ay nakaupo lamang,ang iba naman ay nagpapractice sa "Folk Dance".Nahihirapan talaga ako makuha ang mga step sa sayaw paano hindi ako marunong sumayaw.Hindi man lang binigyan ni Lord ng talent sa sayaw,kaya nga gusto ko sa hulihan lang pero kasi kapag lumilipat ng pwesto hindi maiiwasan na mapaunahan ako.May mga manonood pang mga author o mga tagasulat dito sa Bicol.Nakakahiya sa kanila dahil makikita nila akong hindi marunong sumayaw.Nakakanerbyos a nakakatakot.hayy..Sana makaya ko kapag dumating na ang araw ng aming pagtatanghal.

Walang komento: