Linggo, Marso 8, 2009
March 05, 2009
Ngayong araw na ito nagbigay si sir ng isang pagsusulit.Ang kanyang binigay na pagsusulit ay tungkol sa past,present at future tense na verb.Gusto lang malaman ni sir kung paano ba namin ito isusulat.Ang halimbawa na ibinigay niya ay supply,sa past nagsupply,sa present nagsusupply at sa future magsusupply.Nalilito talaga kami sa spelling kung paano ba namin ito isusulat.English word na verb na lang ang ibinigay namin.nakakatawa ang nabubuong word sa present at future.Parang mali na tama.Ewan ko ba nakakalito talaga ang ibinigay ni sir.Nagdadalawang isip kami na baka mali ang sagot namin lalo na ang spelling.Ang lahat-lahat ng mga requirements namin ay ipapasa na sa Lunes March 09, 2009.Ang blog/journal,narrative report at lesson plan.Ang panonood namin ng play ay tuloy na tuloy na ngayong Sabado sa ganap na 5;00 ng hapon sa U.S.I.Ito na talaga ang napagkasunduan naming lahat.Manonood kami ng play at gagawan namin ng narrative report para sa mid-term at final exam.Ang ticket ay nagkakahalaga ng 25.00.Ingat ka po lagi..
March 03, 2009
Ngayong araw na ito tinalakay namin ang gagawin talaga sa programa.Nagkaroon ng problema sa programa namin.Iyong panauhing pandangal namin ay masyadong mataas ang kanyang gustong mangyari.Ang gusto ng speaker ay seminar for 4 days,tapos ang gusto niya may mga matutuhan kami sa kanya kung saan amin itong tinutulan.Sabi ng speaker hindi siya pupunta kapag sa compliants lang sa subject na Filipino ang gagawin namin.Iyon naman kasi talaga ang lumalabas na requirements lamang ito para sa mid-term at final exam.Ang sabi pa ng speaker mali daw ang pinuntahan naming speaker.Si ate Rhia ang nagsalita tungkol dito.Siya ang nagsabi na talagang bigatin ito at siya pa ang director ng iba't ibang arts and culture presentations.Hindi naman ito pwedeng mangyari dahil may oras lang naman na ibinigay saamin.Ang napagkasunduan ng aming klase ay panonood ng play sa USI sa halagang 25.00.Ito ay titingnan pa ni vice president Bio kung kailan ito gaganapin,tungkol saan ang play,at kung magkano talaga ang ticket.Ang iba pang requirements na aming gagawin ay ang blog/journal,narrative report at ang lesson plan na ginawa namin na dapat ay encoded tulad din sa narrative report.Maraming nagsasuggested kung swimming na lang na pagsasabayin na ang dispidida party kay sir,short program/presentation tungkol doon sa ininsayo namin,magkakaroon na lamang ng narrative report about sa mga nangyari na may documentation tapos kung ano naman ang masasabi namin kay sir na aming gagawin na parang libro o icocompile namin ang lahat na ginawa ng BEEd-3.Ngunit ang mas gusto ni sir ay manood na lang.HIndi na lang kami komontra para matapos na talaga ang usapan at para maging final na ang gagawin namin para sa mid-term at final exam.Marami ang nalungkot kasi hindi natuloy ang swimming.Ang iba naman ay parang walang pakialam.Ang iba ayaw ng swimming dahil malapit sa disgrasya at gagawa pa ng sulat.Pag hindi nagpaalam na magkakaroon ng swimming sa dean,ang kawawa ay si sir dahil papagalitan siya dahil hindi siya nagsabi at responsibilidad niya kaming lahat.Si ate Mher aay hindi na pwede kasi malapit na siyang manganak..hehehe...Si sir hindi makapagsalita ng maayos.Kung titingnan mo parang ang lalim-lalim ng iniisip kapag kinakausp namin parang hindi nakikinig.Pag iyong minasdan akala mo galit dahil napakatahimik pero hindi naman.Sa katunayan ang bait bait ni sir kaya nga inaabuso naman namin minsan.HIndi siya marunong magalit sa mga istudyante nagpapatawa pa siya at minsan tahimik talaga siya.Siya na lang ang aming pinagdesisyon kung ano na ba talaga ang aming gagawin para magkaroon ng isang maayos na usapan.Mahirap na kasi magpresent ng program dahil kulang na sa oras at walang pagseseryoso kapag nagiinsayo.Tapos aalis na si sir sa March 08, 2009.Yun namang speaker na inimbita namin ay kakausapin na lang ni sir na hindi na tuloy ang programa dahil sa mga kadahilanan.Masyadong mataas kasi ang hinihingi ng panauhing pandangal namin at may sinusunod pa talaga siyang rule.Hindi namin kaya ang perang magagastos para dito dahil estudyante pa lang naman kami.Naiintindihan naman namin na dalubhasa siya at hindi basta-basta.aAng gusto lang sana namin ay simple lamang na makikiisa siya saaming gagawing maliit na programa dahil dito din siya graduate.Sana maintindihan niya kaming nagsisimula pa lamang.Kaya lang talagang ayaw niya ng basta-basta lang,ang gusto niya ay bonggang-bongga....hahaha
February 26,2009
Ngayong araw na ito ay ang "Meeting de Avance".Nagkaroon kami ng announcement tungkol sa gagawin namin sa programa na gagawin na lang na seminar.Hindi kasi basta-basta ang panauhing pandangal namin.Ang mangyayari nito ay pangintermission na lang ang mga ginagawa namin at magiinvite na lang kami ng kapwa Education para manood at makiisa sa seminar na aming gagawin.
February 24,2009
Ngayong araw na ito ay may nagcampaign lang saamin ang mga bagong kandidato para sa SSC officer.Ito ay gaganapin sa Biyernes February 27, 2009 na kung saan boboto kami by electronic o sa computer na.Sa Huwebes ay gaganapin ang "Meeting de Avance" sa ganap na 2:00-5:00 ng hapon.Sa Biyernes ay hindi ititigil ang klase.Boboto kami kapag may oras na bakante.Hindi kami nagpractice kasi naguwian na ang aking mga kaklase.Ayaw kasi nilang magpractice,pero ako hindi muna umuwi kaya present ako.HIndi masyadong organized ang pagpractice kasi ang iba ayaw ng magpractice,gusto ng umuwi,at wala ng gana dahil kakaunti lamang ang nagiinsayo.Sana talaga magkaroon kami ng initiative na maging maayos na ang practice dahil malapit na ang presentation.Hindi pa kasi masyadong maganda o maayos ang aming presentation.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
