Sabado, Pebrero 14, 2009
February 03,2009
Tinalakay namin ngayon ay tungkol sa Parabula kung saan ang mga kwento sa Bibliya ay ginawang moderno.ang mabuting samaritano ang unang isinadula ng aking mga kaklase na ginawang "Ang Mabait na Bading".Ang nagsalaysay ay si Salvador.Ang mga tauhan dito ay ang Bading,Tulisan,Guro,Fashionista at ang lalaking sugatan.Ang Guro ay hindi pinansin ang lalaking sugatan.Ang Fashionista ay walang awa na hindi man lang tumulong at ang bading lamang ang tumulong.Ang aral dito ay kung sino ba talaga ang tunay na nagmamahal sa kapwa ang tanong ni Hesus sa kwentong ito hindi lang sa gawa makikita ang pagmamahal kundi ang bukal na pagtulong sa mga nangangailangan.Ang pangalawang isinadula ay ang "Prodigal Son"na ginawang moderno na "Papalicious"ang nagkwento naman nito ay si Leonila.Ang mga tauhan dito ay ang Mama,Panganay na anak at Binabaing anak.Ang kanilang ina ay ibinahagi ang yaman sa kanyang mga anak.Ang panganay ay masipag at hindi umalis subalit ang kanyang binabaing anak ay nilustay ang pera at inubos sa mga lalaki ng siya'y umalis sa kanilang bahay.Dumating ang tagutom at naranasan niyang kumain ng mga ulam ng baboy at dito niya naalala ang kanyang ina.Bumalik siya sa kanilang bahay at agad siyang nakita ng kanyang ina at niyakap ang kanyang panganay na kapatid ay galit na galit at masayang-masaya.Aral:Huwag magiging mainggitin,magagalit o magseselos.Kahit pa naging makasalanan ang isang tao darating ang panahon na papatawarin parin ang nagkasala.Ito ay nahahango sa Diyos na pagpapatawad sa kapwa.Ang pangatlong nagkwento ay si Jerick ay "Ang Batang Bading".Ang tauhan dito ay si Pepay at ang mga lalaking bading.Ang kwentong ito ay tungkol sa pagsisinungaling ng batang bading na may mga gwapo at sinasabi niya ito sa inaakala niyang mga lalaki pero bading naman kaya kapag naririnig naman ito ng mga bading ay agad na pumupunta sa batang bading.HAnggang isang araw ang kanyang ibon ay kinain ng mabangis na hayop at noong tumatawag na siya doon sa mga bading ay hindi na siya pinansin ng mga bading.Aral:Huwag magiging sinungalin,Ang taong sinungaling ay hindi na muling pinaniniwalaan ng mga tao.Magagaling ang gumanap at mahuhusay ang mga narrator.Sa Parabula makakapulot tayo ng mga aral na hango sa bibliya.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento