Biyernes, Enero 30, 2009
January 29,2009
Nagsulat si sir sa blackboard ng mga ginawa namin sa kanya.Sa short story ang ginawa namin ay story telling,writing,at analysis na ang pinagkuhanan namin ay kwentong katatawanan at katatakutan.Sa parabula naman ang ginawa namin ay role playing,writing adaptation na pumili kami ng isang parabula sa bibliya na ginawa naming moderno.Sa pabula naman ay writing lamang.Sa alamat naman nagsulat kami ng sarili naming komposisyon na tungkol sa gamit sa classroom at iba pang bagay.Sa tula kami ay magbabasa ng mga tula na ang nagsulat ay mga BIcolano dito.Sa Performance naman gagawa kami ng dula na gagawin sa last week of February.Sa Film Viewing naman ay mga novel na gagawin sa mid-term at finals.Nagusap-usap kami talaga kung ano ang plano namin sa mid-term at finals.ANg napagkasunduan ay ipagisa na lamang ito para mas mapaghandaan at hindi kulangin sa oras.Gagawin pa rin namin itong programa kung saan una ay ang tula na mayroong solo,duet.trio,at sabayang pagbigkas na kung saan lahat kami ay dapat kasali.May mga intermission din para mas lalong ganahan ang mga manonood.Pagkatapos ng tula ang isasagawa na namin ay ang play kung saan ang theme namin ay tungkol sa Love na saka muna ako mahalin.Hindi pa namin masyadong napaguusapan kung ano ang daloy ng kwento.Magbibigay kami bawat isa ng isang natatanging kwento tungkol sa Love upang hindi mahirapan masyadong magisip ng kwento ang script writer namin na si "Pepay".Sa paraang iyon may maitutulong kami o may naiambag upang makagawa ng play at siya na lamang bahala kung anong magandang piliin doon.Gagawin pala namin ito sa February 26,2009 sa ganap na 2-5 ng hapon.Kailangan namin itong paghandaan dahil may ininvite si sir na author na Bicolano.Sa paggawa ng programang ito ay tulong-tulong kami at may mga inasign na committe sa bawat gawain upang maging mas madali at maayos.
January 27,2009
Nagusap-usap kami ng mga analysis ng nakakatawang kwento.Una ang mga characters o tauhan na sina Tabingi,Pari,Bata,Pedro,Juan,Nanay,Madre,Matandang Lalaki,at Sacristan.Pangalawa ang setting o tagpuan kagaya ng simbahan,sementeryo,bahay,dyip,at kalye.Tema ang sumunod na puro katatawanan.Panghuli ang aral kagaya ng huwag gawing libangan ang katangahan,sa mata ng bata ang mali ay nagiging tama,huwag maniniwala sa hula dahil ito'y tanging gabay lamang,hindi lahat ng nakikita ay totoo,ang pagiging makasarili ay walang naidudulot na maganda,huwag maging gahaman sa pera,at ang taong tulog madaling tangayin ng agos.Nagiging nakakatawa ang kwento dahil sa pagkakamali ng iba,pangbabastos,pangiinsulto,paninirang puri,makatotohanan,may kababawan,o ordinaryong pangyayari.Ipinapatungkol ito sa lipunan,imorallidad,paglalakbay ng isang tao at kahirapan.Ang mga tauhan sa nakakatawa ay tanga,inosente,bastos,at may mga kapansanan.Nagagawa ang mga kwentong nakakatawa sa mga imposibleng makagawa nito upang magbigay lamang ng kasiyahan.Isa pa rin sa sangkap ang paggawa ng kwento nakakatawa ay ang pagiging malikhain ng isang taga-gawa at pwedeng ang kaanyang pinaghugutan ay ang mga nangyari noon kagaya ng pag-aapi sa mga pilipino ng prayle sa atin.Malaking impluwensya rin ang mga literatura noon kagaya ng simbahan,mga lugar at kung anu-ano pa.Sa aking palagay pwede ring maging katotohanan o pwedeng mangyari ito.Hindi lang ako sang-ayon sa pambabastos o paglalahat ng mga tao sa simbahan na sila ay nagkakamali lagi.Hindi lahat ng mga alagad ng diyos ay mga masasama.
January 22,2009
Nagpatuloy ang kwento ngunit si Leonila lagi ang nagkukwento dahil ang iba kong kamag-aral at ako ay walang maikwento.Kagaya ko wala akong alam na nakakatawang kwento.Kaya lahat kami ang gusto ay si Leonila dahil marami siyang alam.Minsan ang kwento ay corny,bastos,at iilan lang ang may aral.Ayos lang na may pagkabastos dahil college na naman kami.Pagkatapos na magkwento nagpaggawa si sir ng analysis doon sa mga kwento.Isa lang naman talaga ang laging ginagawang bastos at katawa-tawa ang mga banal na kagaya ng simbahan,pari,madre,sacristan at kung sinu-sino pang makarelihiyoso na sa tingin nila kung sila ba ay makakagawa ng mga kasalanan kagaya nga ng mga bastos.Sa tingin ko ginagawa lamang ito para maging katawa-tawa ang mga imposibleng makakagawa nito.Isa pang pinagusapan namin ay ang gagawin naming exam sa mid-term ang pagbabasa ng tula na ang nagsulat ay mga Bicolano.Napagkasunduan na gagawin namin itong programa kapag kami ay nagperform na.May sabayang pagbigkas,solo,duet,at trio.Mayroong din mga intermission number para hindi maging kabagot-bagot.Nagrequest din ang mga kaklase ko na kung pwede wag na lang gumawa ng blog at journal na lamang.Kaya ipinasulat ni sir yung magbablog na lang at ang mga gagawa ng journal.Ako ang pinili ko ay gumawa ng blog kasi nasimulan ko na ito at nailalagay ko naman lahat sa blog.Ang ginawa pala namin noong "banghay aralin" sa nursey rhymes ay ipapaencode pa pala iyon at ipapasa kay sir.
January 20,2009
Nagusap-usap kami tungkol sa osipon o piksyon na aming ikwenento na puro nakakatakot.Napagusapan namin kung paano ba ito naideliver ng maayos at nakatawag pansin saamin.Karamihan saamin ang nagustuhan ay si Leonila dahil magandan siyang magkwento.Nagkwento si Leonila ng nakakatawa at ganoon pa rin ang kinalabasan maganda at nakatawag pansin saamin.Ang isang magandang story teller ay may mga katangian na dapat taglayin una magaling magact,may confidence,may buhay mag kwento,alam na alam ang kwento,nasa timing at alam kung saan nangyari at mga pasunod-sunod ng kwento.Nagkwento din si sir at nagustuhan namin ang kanyang kwento.Kwentong nakakatawa ang kanyang ibinahagi saamin.Ang napansin namin kay sir ay pinapatagal pa niya ang kanyang sasabihin kaya doon kami natatawa.Binibitin niya ang mga audience.Nagkwento din si Buddy,Cuatro, at Leonila na sobrang nakakatawa at super sa tawanan na naman kami.Karamihan sa naikwento ay mga kwentong green at mga jokes.Nagusap-usap pa rin kami sa mga gagawin namin sa finals o project namin na magpplay kami,puppet show at radio drama na gagawin namin sa last week ng February.Ang mid-term naman namin ay ang "poetry reading"na isinulat ng mga Bicolano na pwedeng english,filipino,at bicol na isasagawa naman namin sa early of February.
January 15,2009
Tinalakay naman namin ngayon ang tungkol sa pagpapatuloy ng mga kwentong nakakatakot.inumpisahan ni Isagani at iba pang sumunod na nagkwento.Hindi na masyadong nakakatuwa dahil wala na ang mga suspense o nabibigla kong mga kaklase na nakakatawa talaga ang mga mukha.PInagawa kami ni sir sa isang buong malinis na papel ang mga kwentong nakakatakot na pwedeng napakinggan,naikwento,o naranasan.Hindi na ako nakapagkwento kaya sa sulat na lang na ipinagawa ni sir aking ibinahagi ang iba't ibang kwento.
January 13,2009
Ngayong araw na ito tinalakay namin ang iba't ibang nararanasan namin na tungkol sa nakakatakot.Pwedeng napakinggan,naikwento,o sariling karanasan.Ang unang nagkwento ay si Marlon Cuatro na pero hindi ito nakakatakot bagkus ito ay nakakatawa.Si Leonila Joy na ubod ng saya pag nagkukwento dahil ang mga kwento niya ay nakakabigla na nakakatakot.Karamihan talaga saamin ay natakot at si Joan at ate Mher ay naiyak at nagulat sa kwento ni Leonila.Ang mga nakakaalam na kagaya ko ay hindi na masyadong natakot.Tuwang-tuwa kami sa mga reaksyon nila,mayroong lumaki ang mga mata,may napasigaw,at may yumakap sa kapwa naming kaklase sa sobrang takot.Sinundan ito ni Ghil na pawang katotohanan ang kanyang ikwenento dahil kanya itong nararanasan dahil siya ay may "third eye" na hindi natin nakikita kapag wala tayo nito.Lagi siyang pinapakitaan ng isang babae at bata.Para sa kanya hindi na siya gaanong natatakot dahil sanay na siya dito at ipinagkikibit balikat niya na lang ito.Isa talaga itong masaya para saamin dahil binigyan pa kami ni sir ng junkfoods at candy habang ito ay isinasagawa.
Linggo, Enero 11, 2009
January 08,2009
Nagkaroon kami ng pagsusulit sa "Effective Story Telling".1-20 items.Mahirap ang mga tanong ng aming guro dahil hindi ako nagaral.Nakakuha lng ako ng 10 out of 20.Nagkwento ang aming grupo sa "Children Lit" ng mga kwentong OSIPON o tungkol sa mga katatakutan.Tuwang-tuwa kami ng magsimula na si Leonila ng mga kwento kasi may aksyon at talagang matatawa ka sa mga expression niya.Sa "Effective Story Telling" pala may mga kailangan kang dapat isaalang alang kagaya ng paghahanda na babasahin mo ng ilang ulit ang isang kwento para maintindihan mo.May mga katangian din ang "Effective Story Telling" kagaya ng Single Theme,Appropriateness to Listeners,at A well-developed plot.May skills din na sinusunod na dapat may posture ka,malakas ang boses at alam mo ang ikinukwento mo.Ang aming takdang aralin ay gagawa kami ng sariling kwentong nakakatakot pwedeng naikwento saiyo o sariling karanasan at iuulat namin sa unahan ng klase sa Lunes..
January 06,2009
Naggroupings kami at pinagusapan namin ang "Effective Story Telling" at napagusapan din namin ang pagharung-harong sa Canaman kung saan tinanong an g mga pumunta sa Canaman.Ang mga tanong sa kanilaay ang Realization,epekto sa kanila,kahalagahan,at anung pagpapahalaga nito sa literitura.Ang sagot ng aking kamag-aral ay pagpapakilala ng isang lugar kung saan ito nagmula,ano ang mga celebrasyon dito upang makilala natin ang ating pinagmulan.
December 11,2008
Napagusapan namin ang awiting pambata sa Bicol kagaya ng Agta,Pearly Shell,Pato,Iki-iki at iba pa.Isinagawa namin ang suksok dagom.Pinakanta saamin ni sir ang mga awitin at isinagawa ng may aksyon kagaya ng Doctor Kwak Kwak tulungan niyo kami.Tuwang-tuwa kaming lahat sa pagsasagawa ng activity at talagang nagkakaisa kami.
December 9,2008
Ang unang ginawa ng aming guro ay ibinigay ang aming mga gagawin o ipapasa sa Prelim na ang mga reaction paper sa ginawang activity na "Booksale",magbibigay kami ng komento,suhestiyon o repleksyon,written report sa mga nakapagbigay na ng trivia o balita,mga ambag o kontribusyon sa ginanap na activity at ang blog address.Tinalakay din namin ang paguulat ni Leonila ng alamat tungkol sa pingmulan ng Pilipinas.Ang mga tauhan ay dito ay si Luz pinakamatanda sa magkakapatid,si Minda ang pangatlo o ang bunso siya ay matapang at pinakamalakas ang loob sa magkakapatid,si Aya ang pangalawa,at ang amang higante siya ay responsable masipag at mapagmahal.Pinagawa kami ni sir ng mga Haiku,Tanaga,at ang masasabi namin doon sa pagkakasunod-sunod ng alamat.
December 4,2008
Tinalakay namin dito ang pagbuo ng Likhang Teksto na ang pamagat o topic ay ang "Pabula".Ang Likhang Teksto ay pagbuo ng sariling teksto o idea ayon sa paksang ibinigay na naghihikayat ng higit na mataas na kakayahang pangimahinasyon.Gagawa kami ng halimbawa ng pagsulat ng "Cinquian"na ang Cinquian ay lilimahing linyang tula.Sa linya 1 isang salita para sa pamagat,Sa linya 2 dalawang salita para ilarawan ang pamagat,Sa linya 3 tatlong salita para magpahayag ng aksyong kilos,Sa linya 4 apat na salita para magpahayag ng damdamin at Sa huling linya ay dalawang salitang kahawig o katulad ng pamagat o paggamit ng talinghaga.Pinagawa kami ng Cinquian at ang takdang aralin namin ay Cinquian din na gagamitin namin ang mga popular na mga Pabula.
December 2,2008
Nagtalakay ng mga masusing banghay aralin sa Nursery Rhymes.Sa pagbibigay ng mga issue doon.Ang ilan sa mga Nursery Rhymes ay Ang Pagkain ng Gulay at Prutas,Kay Liit ng Mundo at Tindahan ni Juan.Ang kahalagahan ng pagasenso ay kailangan ng sikap,tiyaga,diskarte,disiplina,tiwala sa sarili,pagkakataon o swerte at kaalaman.
November 27,2008
Napagusapan namin ang estratehiya sa pagtuturo at pagkatuto ng mga bata.Naatasan ang aking kamag-aral na si Shiela sa pagtuturo ng "Problem Solving Method".Ang "Nursery Rhymes" na itinuro niya ay ang "Jack 'N Jill".Una pinakanta muna kami ni Shiela ng Jack 'N Jill at pagkatapos ay tinanong kami kung ano ang mga issue na makikita sa Jack 'N Jill.Ang mga sagot ng aking mga kamag-aral ay ang problema kagaya ng Child Labor,Abortion,Teenage Pregnancy,Harassment,at Sexuality.Ibinigay din namin ang mga solusyon sa problema kagaya ng Education,Awareness,Respect,Self Defence,at pagsumbong sa autoridad.Ang takdang aralin namin ay paggawa din ng isang "Nursery Rhymes".Natutukuyin din namin ang mga issue o problema doon sa napili namin,opinion o kuro-kuro doon sa issue,pagsusuri ng datos,at solusyon.Bago magtapos ang aming talakayan nagpapanood si sir ng iba't ibang "Nursery Rhymes" at aming tinukoy ang mga problema.Ang ilang sa mga "Nursery Rhymes" ay Bato-bato sa langit,Aregadeng,at Anu daw idtong Sagugon na ang problema dito ay huwag kunin ang kanyang pagkababae.
November 25,2008
Napagusapan namin ngayon ang pagpapahalaga ng panitikan sa "Nursery Rymes" at ang estratehiya sa pagtuturo.Ipinasulat ni sir ang bawat grupo ng kanilang mga ginawang pagpapahalaga at nagtanong si sir kung paano namin ito isasagawa.Karamihan sa aming grupo ang sagot ay pagpapakanta sa mga bata at pagtanong ng kahalagahan o ang natutunan ng isang bata doon sa kanta.
November 20,2008
Napag-uspan namin ang activity na aming gagawin sa Activity Day na ang pamagat ay ang "booksale".nagusap-usap kami kung paano namin ibebenta ang mga libro.Ang napagkasunduan namin ay by row na lang sa upuan.Sa pagbabantay ng mga libro kaming pangalawang row ay na assign sa oras na 10-12 ng umaga.Napagusapan din namin kung magkano ang mga libro at pinaghiwahiwalay namin ang mga libro na ayon sa iba't ibang klase.Sa paguusap din namin napagkasunduan ng aming presidente ang mga gagamitin sa pagbebenta ng mga libro na gagawa kami ng streamer,documentation,ang pagpunta ng aming grupo sa mga "Bicol Writer" dito sa Bicol upang kumbinsihin sila na ibenta ang kanilang mga gawang libro na kami ay magkakaroon ng interest sa mga naibenta.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
