Linggo, Disyembre 7, 2008

"Basta't tayo'y hawak -kamay kailan ma'y di tayo magkakahiwalay"

Sa tinagal ng panahon
Ng bawat tinadhanang hamon
Kaibiga'y aking natagpuan sa lalaki mong katauhan

Sa ikli ng ating pinagsamahan
Sa iyo ko lang naramdaman kaginhawaan ng kalooban
at pagkalinga ng tunay na kaibigan

Iyan nga ay aking napatunayan sa tuwa't
lumbay ng buhay
Ika'y matatag kong sandigan
Na sa aki'y laging aalalay

Sa panahon ng ating kasiyahan tayo'y laging
nagtatawanan
Walang puwang ang bawat pighati Sa ating mga labi'y labis ang ngiti

Sa oras naman ng ating kalungkutan
Hanggang sa bangin ngf karimlan
Mga palad ay ibibigay
Bawat isa'y aaho't siyang gagabay

Sa ganda nga ng ating pagsasama
Mayroong mga nagtataka
At may mga naiintriga
May pag-ibig ba sa ating dalawa?

Ba,eh ano bang paki nila
Marahil inggit lamang sila
Basta alam ko mahal kita
Bilang matalik na barkada

Sa dami ng pagsubok na ating dinaanan
Maging bagyo o lindol pa man
Kapag tayo'y magkahawak-kamay
Hinding-hindi tayo magkakahiwalay

Itong ating pagkakaibigan
Sana'y wala ng hangganan
Kahit hanggang kamatayan
Hinding-hindi tayo mag-iiwanan.

"Aking kaibigan"

Higit pa sa kapatid ang turing ko saiyo
Na kahit kailan ay hindi magbabago
Sa lungkot at ligaya ay kasama kita
Pati sa panaginip at mga alaala.

Sa bawat pagsubok at mga problema
Ikaw ang gabay ko at umuunawa
Sa aking pagluha ay laging nariyan ka
kapiling kita sa aking pangungulila.

Kaibigan kita sa lahat ng oras
at gunita mo ay hindi kukupas
Sa mga panahong patuloy
na lumipas ang iyong pagdamay
ay tunay at wagas.

Huwag sanang magbago ang ugali mo
na ipinadarama mo sa aking
pagkatao
Ang mga pangaral mo na mula sa puso
kapag naririnig ko'y di ka mabibigo

Kaya kaibigan pakinggan mo sana
itong munting tula na aking ginawa
Huwag sanang mawalay sa puso't
isipang ang mga mensaheng hatid
nito hirang.



Lihim

Nang ika'y makita ako'y knabahan
kabang naramdaman ng ako'y unang masaktan
Sana'y huwag nang maulit pa aking naranasan
Upang huwag madala,magmahal ng lubusan.

Sa aking pagtulog ikaw ang panaginip
Maging sa pag-gising ikaw ang nasa isip
Walang ibang nais kundi ang masilip
Mukha at pangalan ko diyan sa iyong dibdib.

Walang katumbas na saya pagkapiling kita
Walang katumbas na salapi mapungay na mata
Lahat naiingit sa ayos at porma
Sana'y ikaw na nga at wala ng iba.

Ako'y nananalangin na sana'y mapansin
Pag-ibig na inaalay sana'y tanggapin
Huwag matatakot na baka baliwalain
Bulong ng puso ko'y sana'y iyong dinggin.

Lihim

sulat q..

My favorite filipino author is Jaime Licauco because i like his writings and books because i am interested of parapsychology. Parapsychology is about the super natural like ghosts, astral projection, and being like elves. it also includes the idea of soulmates. Soulmates are two souls who have become so close together in a series of incarnations that they perfectly complement each other in their journey through a series of lives.
I like licauco's book entitled '' True Encounters with the Unknown'' because it says, ''Love'', if it is true behind soulmates, it goes beyond the boundaries of time and space.
Isa sa pinakagusto kung author ng aklat ng FILIPINO 6 ay si Violeta Cruz Delfin dahil sinikap nya na mag taglay ang aklat ng mga sumusunod na katangian. Una, ang aralin at babasahin ay nag lalayong malinang ang mga kasanayang dapat matutuhan ng mga mag-aaral. Ikalawa, ang mga paksang tinatalakay niya ay napapanahon at nakatutulong upang mabuksan ang isipan ng mga mag-aaral. Tuloy nagiging aktibo sila sa pakikilahok sa pag lutas ng mga suliraning pambayan at sa pag papaunlad ng pambansang kabuhayan. Kaalinsabay nito, sinikap pa niya na maisanib ang pagpapahalagang moral, pag mamahal sa diyos at sa bayan, gayon din ang pag hasik ng wastong pag-uugali at kabutihang aral sa mga kasanayan sa pag babasa sa kanyang libro.

May this time be

From our young minds
A seed of love had been planted.
Time runs 'till we've met again
We,the two old friend matured faces
we wear
Similar with thoughts and talks we bear
Separation of moods as lady and man
Hesitation barries the happiness that can happen

Sudden look and snatch move of eyeballs
To lower the tension of covered love
But uplift the soul and fasten heartbeat
Denials can't mask the harden breath

Maybe in the future,love shall find away
Maybe someday,our own tale will be revealed
Maybe tomorrow,you will finally say
"Maybe this time,i should find away
Maybe this time be right for i love you always!"

May this time be

Truth about love

Answers behind questions that exactly fall
Love never fails;neither tough nor small
Love couldn't be hide and it will be
presented.
Love conquers each heart and mind can't be
prevented

Love comes just for once and believes
destination and life's plan
Grooves of lovers couldn't be
understood
Unless each being feel in love
in every mood

Love can't be measure through diamonds
or bronze
Basis will be the right feeling and true emotions
Truth about love is more than living in bed of roses
Reality about passion is a life time happiness....

Miyerkules, Nobyembre 19, 2008

childdren's literature

Sa librong pambata marami tayong maipapakita at maituturo sa pagpapahalaga sa panitikan.Una na dito ay ang pagkukwento na kinakailangang maipakita natin sa mga bata ang mga bagay gaya ng mga pabula na may mga magagandang larawan upang makuha ang kanilang atensyon.Pangalawa ay ang pagsasadula na mas lalong naiintindihan ng mga bata ang anumang paksa kung ito'y kanilang napapanood.Pangatlo ay ang puppet show na mas naiinganyo ang mga bata kapag mayroong mga puppets na ipinapakita dahil ito ay nagbibigay kasiyahan sa kanila.Pangapat naman ay ang pantomine o Enactment nasa tugtog at indak ng mga karacter ng isng kwento ay nagpapakita rin ng pagpapahalaga sa panitikan dahil mas maipapakita o maipapahayag nila ang kanilang damdamin sa malikhaing paraan
Choral Speaking/speech choir/elocution kapag ang isang mag-aaral ay nahimok sa ganitong paraan ay nagpapakita ng kanilang magandang interest sa panitikan.Ang pagbibigay laro na kinakailangang ng mga bata ay hindi lamang pagbabasa ang binibigyang atensyon kundi kailangan din bigyan sila ng laro ukol sa panitikan.Ang pagpapanood ay mas naiintindihan o nauunawaan nila ang aral ng isang kwento.Naisasabuhay nila ito sa magandang paraan.Ang Booksale ay nakakatulong upang mabigyan ng pagpapahalaga ang iba't ibang klase ng libro.Ang pagsasakomiks na ang mga bata ay nagiging malikhain sa kanilang ginagawa sa pamamagitan ng pagsasakomiks ng isang panitikan

pinakaimportanteng bagay...

Ang pinakamahalagang bagay at pinakaiingatang bagay ko ay mga bigay na gamit ng aking lola,kapatid,aunty,ataking mga magulang.Ang mga bigay ng aking lola ay pera,breeze,damit at iba pa.Ang aking kapatid naman ay mga damit.Mahalaga din saakin ang mga larawan ng aking pamilya,kaibigan,at iba pa.Ang bagay din na iniingatan ko ay mga bigay ng aking mga mahal na kaibigan.Pinapahalagahan ko ang lahat ng bigay saakin sa pamamagitan ng pagdala nito,hindi ko inilalagay kung saan-saan,lagi ko itong gamit,hindi ko ipinamimigay,hindi ko winawala,at palagi ko itong nililinis upang mas maging maganda.Ang mga larawan naman ay inilalagay ko sa photo album upang hindi masira.Ito'y mahalaga saakin para kapag malungkot ako ay titingnan ko lang ang mga ito para maging masaya na ako.

constructive criticism sa teacher..

Ang titser ko sa pilipino ngayon ay napakabata pa at kung inyong titingnan parang 17 lang ang kanyang edad.Sa unang pasok pa lang namin sa kanya ay parang natawa na kami kasi binigay ang mga impormasyon tungkol sa kanya.ang friendster niya,birthday,at ang cp number niya.Ang hindi ko lang maintindihan masyado ay ang pagsasalita niya kasi mahina.Sana lakasan pa niya para mas maintindihan pa namin ang kanyang sinasabi.May mga pinapagawa na pala si sir.Ang trivia,news at mga gawang kwento ng tao na ginawang pelikula.Gagawa din pala kami ng www.blogger.com at mga drafts namin.Nakagawa na ako pero nahirapan akosa password kasi hindi tinatanggap ng computer.1 oras akong nakagawa sa tulong ng aking mga kamag-aral.Inadd pala ako ni sir sa friendster.Nakakatuwa naman pero di ko pa naapprove kulang na kasi sa oras.hay!!.Ayos naman si sir.May mga activity din kaming gagawin ang booksale at sa disyembre ika-12.Bibili kami ng aklat tapos ibebenta namin sa mga estudyante sa darating na activity day.sa disyembre ika-12 naman ay manonood kami ng panuluyan o pagharung-harong.Ito ay gaganapin sa gabi kaya madaming umaangal lalo na ang mga malalayong lugar na bahay.Kasi ito ay gaganapin sa Canaman..