Linggo, Marso 8, 2009
March 03, 2009
Ngayong araw na ito tinalakay namin ang gagawin talaga sa programa.Nagkaroon ng problema sa programa namin.Iyong panauhing pandangal namin ay masyadong mataas ang kanyang gustong mangyari.Ang gusto ng speaker ay seminar for 4 days,tapos ang gusto niya may mga matutuhan kami sa kanya kung saan amin itong tinutulan.Sabi ng speaker hindi siya pupunta kapag sa compliants lang sa subject na Filipino ang gagawin namin.Iyon naman kasi talaga ang lumalabas na requirements lamang ito para sa mid-term at final exam.Ang sabi pa ng speaker mali daw ang pinuntahan naming speaker.Si ate Rhia ang nagsalita tungkol dito.Siya ang nagsabi na talagang bigatin ito at siya pa ang director ng iba't ibang arts and culture presentations.Hindi naman ito pwedeng mangyari dahil may oras lang naman na ibinigay saamin.Ang napagkasunduan ng aming klase ay panonood ng play sa USI sa halagang 25.00.Ito ay titingnan pa ni vice president Bio kung kailan ito gaganapin,tungkol saan ang play,at kung magkano talaga ang ticket.Ang iba pang requirements na aming gagawin ay ang blog/journal,narrative report at ang lesson plan na ginawa namin na dapat ay encoded tulad din sa narrative report.Maraming nagsasuggested kung swimming na lang na pagsasabayin na ang dispidida party kay sir,short program/presentation tungkol doon sa ininsayo namin,magkakaroon na lamang ng narrative report about sa mga nangyari na may documentation tapos kung ano naman ang masasabi namin kay sir na aming gagawin na parang libro o icocompile namin ang lahat na ginawa ng BEEd-3.Ngunit ang mas gusto ni sir ay manood na lang.HIndi na lang kami komontra para matapos na talaga ang usapan at para maging final na ang gagawin namin para sa mid-term at final exam.Marami ang nalungkot kasi hindi natuloy ang swimming.Ang iba naman ay parang walang pakialam.Ang iba ayaw ng swimming dahil malapit sa disgrasya at gagawa pa ng sulat.Pag hindi nagpaalam na magkakaroon ng swimming sa dean,ang kawawa ay si sir dahil papagalitan siya dahil hindi siya nagsabi at responsibilidad niya kaming lahat.Si ate Mher aay hindi na pwede kasi malapit na siyang manganak..hehehe...Si sir hindi makapagsalita ng maayos.Kung titingnan mo parang ang lalim-lalim ng iniisip kapag kinakausp namin parang hindi nakikinig.Pag iyong minasdan akala mo galit dahil napakatahimik pero hindi naman.Sa katunayan ang bait bait ni sir kaya nga inaabuso naman namin minsan.HIndi siya marunong magalit sa mga istudyante nagpapatawa pa siya at minsan tahimik talaga siya.Siya na lang ang aming pinagdesisyon kung ano na ba talaga ang aming gagawin para magkaroon ng isang maayos na usapan.Mahirap na kasi magpresent ng program dahil kulang na sa oras at walang pagseseryoso kapag nagiinsayo.Tapos aalis na si sir sa March 08, 2009.Yun namang speaker na inimbita namin ay kakausapin na lang ni sir na hindi na tuloy ang programa dahil sa mga kadahilanan.Masyadong mataas kasi ang hinihingi ng panauhing pandangal namin at may sinusunod pa talaga siyang rule.Hindi namin kaya ang perang magagastos para dito dahil estudyante pa lang naman kami.Naiintindihan naman namin na dalubhasa siya at hindi basta-basta.aAng gusto lang sana namin ay simple lamang na makikiisa siya saaming gagawing maliit na programa dahil dito din siya graduate.Sana maintindihan niya kaming nagsisimula pa lamang.Kaya lang talagang ayaw niya ng basta-basta lang,ang gusto niya ay bonggang-bongga....hahaha
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento