Linggo, Marso 8, 2009

March 05, 2009

Ngayong araw na ito nagbigay si sir ng isang pagsusulit.Ang kanyang binigay na pagsusulit ay tungkol sa past,present at future tense na verb.Gusto lang malaman ni sir kung paano ba namin ito isusulat.Ang halimbawa na ibinigay niya ay supply,sa past nagsupply,sa present nagsusupply at sa future magsusupply.Nalilito talaga kami sa spelling kung paano ba namin ito isusulat.English word na verb na lang ang ibinigay namin.nakakatawa ang nabubuong word sa present at future.Parang mali na tama.Ewan ko ba nakakalito talaga ang ibinigay ni sir.Nagdadalawang isip kami na baka mali ang sagot namin lalo na ang spelling.Ang lahat-lahat ng mga requirements namin ay ipapasa na sa Lunes March 09, 2009.Ang blog/journal,narrative report at lesson plan.Ang panonood namin ng play ay tuloy na tuloy na ngayong Sabado sa ganap na 5;00 ng hapon sa U.S.I.Ito na talaga ang napagkasunduan naming lahat.Manonood kami ng play at gagawan namin ng narrative report para sa mid-term at final exam.Ang ticket ay nagkakahalaga ng 25.00.Ingat ka po lagi..

Walang komento: