Biyernes, Enero 30, 2009

January 29,2009

Nagsulat si sir sa blackboard ng mga ginawa namin sa kanya.Sa short story ang ginawa namin ay story telling,writing,at analysis na ang pinagkuhanan namin ay kwentong katatawanan at katatakutan.Sa parabula naman ang ginawa namin ay role playing,writing adaptation na pumili kami ng isang parabula sa bibliya na ginawa naming moderno.Sa pabula naman ay writing lamang.Sa alamat naman nagsulat kami ng sarili naming komposisyon na tungkol sa gamit sa classroom at iba pang bagay.Sa tula kami ay magbabasa ng mga tula na ang nagsulat ay mga BIcolano dito.Sa Performance naman gagawa kami ng dula na gagawin sa last week of February.Sa Film Viewing naman ay mga novel na gagawin sa mid-term at finals.Nagusap-usap kami talaga kung ano ang plano namin sa mid-term at finals.ANg napagkasunduan ay ipagisa na lamang ito para mas mapaghandaan at hindi kulangin sa oras.Gagawin pa rin namin itong programa kung saan una ay ang tula na mayroong solo,duet.trio,at sabayang pagbigkas na kung saan lahat kami ay dapat kasali.May mga intermission din para mas lalong ganahan ang mga manonood.Pagkatapos ng tula ang isasagawa na namin ay ang play kung saan ang theme namin ay tungkol sa Love na saka muna ako mahalin.Hindi pa namin masyadong napaguusapan kung ano ang daloy ng kwento.Magbibigay kami bawat isa ng isang natatanging kwento tungkol sa Love upang hindi mahirapan masyadong magisip ng kwento ang script writer namin na si "Pepay".Sa paraang iyon may maitutulong kami o may naiambag upang makagawa ng play at siya na lamang bahala kung anong magandang piliin doon.Gagawin pala namin ito sa February 26,2009 sa ganap na 2-5 ng hapon.Kailangan namin itong paghandaan dahil may ininvite si sir na author na Bicolano.Sa paggawa ng programang ito ay tulong-tulong kami at may mga inasign na committe sa bawat gawain upang maging mas madali at maayos.

Walang komento: