Biyernes, Enero 30, 2009
January 27,2009
Nagusap-usap kami ng mga analysis ng nakakatawang kwento.Una ang mga characters o tauhan na sina Tabingi,Pari,Bata,Pedro,Juan,Nanay,Madre,Matandang Lalaki,at Sacristan.Pangalawa ang setting o tagpuan kagaya ng simbahan,sementeryo,bahay,dyip,at kalye.Tema ang sumunod na puro katatawanan.Panghuli ang aral kagaya ng huwag gawing libangan ang katangahan,sa mata ng bata ang mali ay nagiging tama,huwag maniniwala sa hula dahil ito'y tanging gabay lamang,hindi lahat ng nakikita ay totoo,ang pagiging makasarili ay walang naidudulot na maganda,huwag maging gahaman sa pera,at ang taong tulog madaling tangayin ng agos.Nagiging nakakatawa ang kwento dahil sa pagkakamali ng iba,pangbabastos,pangiinsulto,paninirang puri,makatotohanan,may kababawan,o ordinaryong pangyayari.Ipinapatungkol ito sa lipunan,imorallidad,paglalakbay ng isang tao at kahirapan.Ang mga tauhan sa nakakatawa ay tanga,inosente,bastos,at may mga kapansanan.Nagagawa ang mga kwentong nakakatawa sa mga imposibleng makagawa nito upang magbigay lamang ng kasiyahan.Isa pa rin sa sangkap ang paggawa ng kwento nakakatawa ay ang pagiging malikhain ng isang taga-gawa at pwedeng ang kaanyang pinaghugutan ay ang mga nangyari noon kagaya ng pag-aapi sa mga pilipino ng prayle sa atin.Malaking impluwensya rin ang mga literatura noon kagaya ng simbahan,mga lugar at kung anu-ano pa.Sa aking palagay pwede ring maging katotohanan o pwedeng mangyari ito.Hindi lang ako sang-ayon sa pambabastos o paglalahat ng mga tao sa simbahan na sila ay nagkakamali lagi.Hindi lahat ng mga alagad ng diyos ay mga masasama.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento