Biyernes, Enero 30, 2009
January 22,2009
Nagpatuloy ang kwento ngunit si Leonila lagi ang nagkukwento dahil ang iba kong kamag-aral at ako ay walang maikwento.Kagaya ko wala akong alam na nakakatawang kwento.Kaya lahat kami ang gusto ay si Leonila dahil marami siyang alam.Minsan ang kwento ay corny,bastos,at iilan lang ang may aral.Ayos lang na may pagkabastos dahil college na naman kami.Pagkatapos na magkwento nagpaggawa si sir ng analysis doon sa mga kwento.Isa lang naman talaga ang laging ginagawang bastos at katawa-tawa ang mga banal na kagaya ng simbahan,pari,madre,sacristan at kung sinu-sino pang makarelihiyoso na sa tingin nila kung sila ba ay makakagawa ng mga kasalanan kagaya nga ng mga bastos.Sa tingin ko ginagawa lamang ito para maging katawa-tawa ang mga imposibleng makakagawa nito.Isa pang pinagusapan namin ay ang gagawin naming exam sa mid-term ang pagbabasa ng tula na ang nagsulat ay mga Bicolano.Napagkasunduan na gagawin namin itong programa kapag kami ay nagperform na.May sabayang pagbigkas,solo,duet,at trio.Mayroong din mga intermission number para hindi maging kabagot-bagot.Nagrequest din ang mga kaklase ko na kung pwede wag na lang gumawa ng blog at journal na lamang.Kaya ipinasulat ni sir yung magbablog na lang at ang mga gagawa ng journal.Ako ang pinili ko ay gumawa ng blog kasi nasimulan ko na ito at nailalagay ko naman lahat sa blog.Ang ginawa pala namin noong "banghay aralin" sa nursey rhymes ay ipapaencode pa pala iyon at ipapasa kay sir.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento