Biyernes, Enero 30, 2009

January 13,2009

Ngayong araw na ito tinalakay namin ang iba't ibang nararanasan namin na tungkol sa nakakatakot.Pwedeng napakinggan,naikwento,o sariling karanasan.Ang unang nagkwento ay si Marlon Cuatro na pero hindi ito nakakatakot bagkus ito ay nakakatawa.Si Leonila Joy na ubod ng saya pag nagkukwento dahil ang mga kwento niya ay nakakabigla na nakakatakot.Karamihan talaga saamin ay natakot at si Joan at ate Mher ay naiyak at nagulat sa kwento ni Leonila.Ang mga nakakaalam na kagaya ko ay hindi na masyadong natakot.Tuwang-tuwa kami sa mga reaksyon nila,mayroong lumaki ang mga mata,may napasigaw,at may yumakap sa kapwa naming kaklase sa sobrang takot.Sinundan ito ni Ghil na pawang katotohanan ang kanyang ikwenento dahil kanya itong nararanasan dahil siya ay may "third eye" na hindi natin nakikita kapag wala tayo nito.Lagi siyang pinapakitaan ng isang babae at bata.Para sa kanya hindi na siya gaanong natatakot dahil sanay na siya dito at ipinagkikibit balikat niya na lang ito.Isa talaga itong masaya para saamin dahil binigyan pa kami ni sir ng junkfoods at candy habang ito ay isinasagawa.

Walang komento: