Nang ika'y makita ako'y knabahan
kabang naramdaman ng ako'y unang masaktan
Sana'y huwag nang maulit pa aking naranasan
Upang huwag madala,magmahal ng lubusan.
Sa aking pagtulog ikaw ang panaginip
Maging sa pag-gising ikaw ang nasa isip
Walang ibang nais kundi ang masilip
Mukha at pangalan ko diyan sa iyong dibdib.
Walang katumbas na saya pagkapiling kita
Walang katumbas na salapi mapungay na mata
Lahat naiingit sa ayos at porma
Sana'y ikaw na nga at wala ng iba.
Ako'y nananalangin na sana'y mapansin
Pag-ibig na inaalay sana'y tanggapin
Huwag matatakot na baka baliwalain
Bulong ng puso ko'y sana'y iyong dinggin.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento