Linggo, Disyembre 7, 2008

"Aking kaibigan"

Higit pa sa kapatid ang turing ko saiyo
Na kahit kailan ay hindi magbabago
Sa lungkot at ligaya ay kasama kita
Pati sa panaginip at mga alaala.

Sa bawat pagsubok at mga problema
Ikaw ang gabay ko at umuunawa
Sa aking pagluha ay laging nariyan ka
kapiling kita sa aking pangungulila.

Kaibigan kita sa lahat ng oras
at gunita mo ay hindi kukupas
Sa mga panahong patuloy
na lumipas ang iyong pagdamay
ay tunay at wagas.

Huwag sanang magbago ang ugali mo
na ipinadarama mo sa aking
pagkatao
Ang mga pangaral mo na mula sa puso
kapag naririnig ko'y di ka mabibigo

Kaya kaibigan pakinggan mo sana
itong munting tula na aking ginawa
Huwag sanang mawalay sa puso't
isipang ang mga mensaheng hatid
nito hirang.



Walang komento: