Miyerkules, Nobyembre 19, 2008

constructive criticism sa teacher..

Ang titser ko sa pilipino ngayon ay napakabata pa at kung inyong titingnan parang 17 lang ang kanyang edad.Sa unang pasok pa lang namin sa kanya ay parang natawa na kami kasi binigay ang mga impormasyon tungkol sa kanya.ang friendster niya,birthday,at ang cp number niya.Ang hindi ko lang maintindihan masyado ay ang pagsasalita niya kasi mahina.Sana lakasan pa niya para mas maintindihan pa namin ang kanyang sinasabi.May mga pinapagawa na pala si sir.Ang trivia,news at mga gawang kwento ng tao na ginawang pelikula.Gagawa din pala kami ng www.blogger.com at mga drafts namin.Nakagawa na ako pero nahirapan akosa password kasi hindi tinatanggap ng computer.1 oras akong nakagawa sa tulong ng aking mga kamag-aral.Inadd pala ako ni sir sa friendster.Nakakatuwa naman pero di ko pa naapprove kulang na kasi sa oras.hay!!.Ayos naman si sir.May mga activity din kaming gagawin ang booksale at sa disyembre ika-12.Bibili kami ng aklat tapos ibebenta namin sa mga estudyante sa darating na activity day.sa disyembre ika-12 naman ay manonood kami ng panuluyan o pagharung-harong.Ito ay gaganapin sa gabi kaya madaming umaangal lalo na ang mga malalayong lugar na bahay.Kasi ito ay gaganapin sa Canaman..

Walang komento: