Sa librong pambata marami tayong maipapakita at maituturo sa pagpapahalaga sa panitikan.Una na dito ay ang pagkukwento na kinakailangang maipakita natin sa mga bata ang mga bagay gaya ng mga pabula na may mga magagandang larawan upang makuha ang kanilang atensyon.Pangalawa ay ang pagsasadula na mas lalong naiintindihan ng mga bata ang anumang paksa kung ito'y kanilang napapanood.Pangatlo ay ang puppet show na mas naiinganyo ang mga bata kapag mayroong mga puppets na ipinapakita dahil ito ay nagbibigay kasiyahan sa kanila.Pangapat naman ay ang pantomine o Enactment nasa tugtog at indak ng mga karacter ng isng kwento ay nagpapakita rin ng pagpapahalaga sa panitikan dahil mas maipapakita o maipapahayag nila ang kanilang damdamin sa malikhaing paraan
Choral Speaking/speech choir/elocution kapag ang isang mag-aaral ay nahimok sa ganitong paraan ay nagpapakita ng kanilang magandang interest sa panitikan.Ang pagbibigay laro na kinakailangang ng mga bata ay hindi lamang pagbabasa ang binibigyang atensyon kundi kailangan din bigyan sila ng laro ukol sa panitikan.Ang pagpapanood ay mas naiintindihan o nauunawaan nila ang aral ng isang kwento.Naisasabuhay nila ito sa magandang paraan.Ang Booksale ay nakakatulong upang mabigyan ng pagpapahalaga ang iba't ibang klase ng libro.Ang pagsasakomiks na ang mga bata ay nagiging malikhain sa kanilang ginagawa sa pamamagitan ng pagsasakomiks ng isang panitikan
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento